

This article is more than 1 year old
Acknowledgement of Country in Filipino
Kinikilala ng SBS ang mga Aboriginal and Torres Strait Islander peoples bilang Tradisyunal na May-ari ng bansang ito, at ang kanilang di napuputol na ugnayan sa lupain, karagatan, himpapawid at komunidad.
Published 3 July 2023 8:01am
Updated 5 July 2023 10:02am
Source: SBS
Image: - (Julia Esteve/Getty Images)
Ang Acknowledgement of Country ay karaniwang sinabi bilang pagbati o pambungad sa mga pampubliko o pribadong pagtitipon.
Isa itong paraan ng pagkilala sa mga katutubong mamayan ng bansa at bilang Tradisyunal na May-ari ng lupain kung saan nagaganap ang pagtitipon.
Ang mga SBS Audio programs ay nagsisimula sa Acknowledgement of Country na isinalin sa wika ng bawat programa.
Ginagawa ito para kilalanin ang koneksyon ng ng mga Aboriginal and Torres Strait Islander people sa lupain o Country, at bilang pagbibigay galang sa mga nagdaan at kasalukuyang Indigenous Elders o matatandang miyembro ng komunidad.
Isa rin itong paraan para ipa-alam na hindi nawawala ang soberanya sa Australia.
Walang eksaktong wording o mga salita na ginagamit para sa Acknowledgement of Country at kahit sino ay maaring sabihin ito.
Samantala, ang Welcome to Country ay isinasagawa at sinasambit naman ng mga Traditional Owners, o Aboriginal and Torres Strait Islander people na pinayagan ng mga Traditional Owners para sa pagtanggap ng mga bisita sa kanilang lugar o Country.
Narito ang halimbawa ng Acknowledgement of Country;
Nais naming kilalanin ang mga Tradisyunal na May-ari ng lupain, himpapawid at katubigan, at nagbibigay galang kami sa mga nakalipas at kasalukuyang Elder o nakakatandang myembro ng komunidad.
Kami ay nagpupugay sa nagpapatuloy na pinakamatandang kultura sa mundo.
LISTEN TO

Acknowledgement of Country in Filipino
00:26
Learn more about the Acknowledgement of Country

How to Acknowledge Country in a meaningful way
Share